"Serbis ni Iha"
by:
Virgilio F. De leon Jr.
I
O kay tamis ng kanyang ngiti
ng inaabot na ang bayad sa serbisyong nahatid
ilang beses nagpabalik balik sa langit
at ang pasasalamat ng lalaki ay walang patid
II
Inosente ang ngiti , sariwa ang ugali
walang mura na nagmumula sa labi
pulang labi na akala mo sa tingin ay busilak
ilang beses na ring nagamit ngayong gabi
III
At lalabas muli sa maliit na kuwartong ito
uupo sa may sulok at aabang ng mamang nakayuko
"Ok ka ba?" laging bungad na tanong
"Ok na ok" ang nakangiti niyang isasagot
IV
O kay tamis ng kanyang ngiti
inaabot na uli ang bayad
pinagpaguran , pinagpawisan
gabi gabi sa mga kamay ng nangangailangan.
No comments:
Post a Comment