Monday, June 9, 2014

"Reklamador"


"Reklamador"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Pambihira sobra sobra na ang ingay
ng mga tupang nagpapakita ng sungay
sasabog na akong nang di namamalayan
isasagot ko sa kanila ang karit ni Kamatayan!

II
Buka ng buka ang kanilang mga bibig 
hangin lang ang lumalabas at wala nang iba
walang lalim , walang dahilan ang mga pahiwatig
mga nilalang na dapat di nakakahinga ng malalim

III
Di ko alam na ganito pala kabilis maubos
ang pasensiya ko na mahaba pa kahapon
Di na ako makakatayo sa galit kong ito
isasama ko na din sila sa aking burol

IV
Mga tupang akala mo kung sino magsalita
Mga sayang sa espasyo dito sa lupa
di na dapat tumagal ,di na dapat tumagal
Isasama ko sila , Isasama ko sila.

2 comments:

  1. I haven't tried writing or composing a poem in Filipino but yours is cool. ^_^

    ReplyDelete
  2. Thanks man. I have these outbursts hahahah

    ReplyDelete