Sunday, June 15, 2014

"Babala: MP3 Niya"


"Babala: MP3 Niya"
by:
Virgilio F. De leon Jr.

I
Sumisigaw ang mama sa gitna ng ulan
lumingon ang bata sa kanyang pagdaan
takbo! Bilis! tumabi! ka sabi ng lalaki
Ang bata , bumagal ,nagmistulang bingi


II
Di maintindihan kung ano ang nangyayari
alam na tiyak na sasapol ang sasakyang palapit
pinilit ng lalaki na abutin ang bata
tuloy ang pagtungo tungo ng ulo habang kumakanta


III
kakaheadbang ,kakaheadbang
natodo ang volume at nilunod ng tunog ang lahat
napalingon ng lang ng bahagya at napansin niya
sumapol sa bata at sa MP3 niya.

1 comment: