"Chatroom
(Pasok sa chatroom)"
by:
Virgilio F. De leon Jr.
Ang chatroom parang buhay
May nagmamahalan
May nagpapatayan
May mga totoo
At may mga huwad
Kayraming mga ugali
Ngunit nagkakasundo din agad
Parang buhay kapag may problema
Tatakbo at iiyak sa iba pa
May mga magkasintahan
May mga nagaalitan
May sobrang dada
At sobrang hiya
May mga pangit
At siyempre may maganda
May mga tanga
Wala ng buhay paglabas ng chat
Wala nang magawa
Wala na wala
No comments:
Post a Comment