Thursday, August 29, 2013

"Ang Tunay na Dukha"



"Ang Tunay na Dukha"
by:
Virgilio F. De leon Jr.

I
Dumungaw ako Mula sa Taxi
Doon sa bantayog
Doon ko sila nakita
Mga batang madumi at ulila

II
Sa paanan ng mga bayani nakahiga
Pagod sa kapapalimos , nagpapahinga
Alam kong kumakalam ang sikmura
Hindi hiningi na maging dukha

III
Sa mata nga mga tao
Sila’y kinukutya
Pero sa kanilang mga sarili

Hindi rin alam na sila’y dukha.

No comments:

Post a Comment