Torture Chairs....sa Bus
ni:
Virgilio F. De leon Jr.
Kadalasan ngayon pag umuuwi ako napapansin ko na parami na ng parami ang mga bus na walang pakialam kung kompartble pa ba ang mga pasahero nila sa mga upuang nakalagay sa bus nila. May mga ilang linya ng bus na para bang sinukat ang mga upuan para sa mga taong sadyang di kataasan. yung mga tipong bawal kang umupo kung mga 5'3 ka na. Sigurado tatama ang tuhod mo sa kaharap na upuan kada preno ng mga bus at sa paniniguradong marami silang maissasakay asahan mo nang tatama ang tuhod mo ng di bababa sa 50 beses kada araw (isandaan kasama pauwi!). Kung sa may bintana ka uupo eh 2 tuhod ang sasakit. Kung sa may aisle ka naman pupuwesto , humanda kang masiko o mabunggo ng lahat ng pasaherong dadaan sa iyo. Pag ikaw pa naman ang tinamaan parang kasalanan mo pa kasi nakausli ang katawan mo sa may aisle. So bale nasiko at nabunggo ka na , may isang tuhod ka pa na tumatama pa din sa maliit na mga upuan.Tataas ang kita ng Alaxan FR...may conspiracy theory atang nabubuo dito ah.
At kung susubukan mo ding matulog sa mga upuang ito eh sigurado na na pagkagising mo eh sasakit ang batok , leeg at likod mo. Di ata ginawa para sa tao ang mga ito eh , parang patungan lang siguro ng gamit kaya parang abnormal ang kurba at ang nakakatawa ang tinatawag nilang Neck Rest eh di talaga nakakarest ng neck , Break Neck dapat ang tawag nila dun. Kasi naman kung gaano kaliit yung upuan siya namang kasing taas ng sandalan sa likod. Yung ibang parte ng tinatawag na neck rest eh bumabaon sa batok mo hanggang sumakit siya. Tapos dahil may latest na pirated DVD na pinapalabas sa mga bus na ito pipilitin mo din na manood kahit papaano. Bad move. Mataas nga masyado ang mga sandalan , kaya magmumukha kang Ostrich o Giraffe sa paghaba ng leeg mo para lang makapanood. Ang payo ko eh wag na lang , mura lang ang DVD at kung sa bahay ka manonood puwede ka pang kumuya kuyakoy at walang makikialam sa iyo.
Sana wag na lang nating sakyan ang mga bus na ganito para matauhan sila na nakakabadtrip ang ayos ng mga upuan nila. May cover naman...plastic cover pa nga eh. kaso sa ayos ng mga ito eh sadyang nakakasakit ng mga araw araw na bumibiyahe. Malamang ang katwiran ng mga bus operator na nagmamay ari sa mga bus na ito eh , kailangan mas maraming pera , di bale nang di kompartable ang mga sasakay , basta mas marami ang masisiksik nila at makukuhanan ng pera. Nakakalungkot pero sa hirap ng buhay at sa hirap makasakay mukhang magpapatuloy lang ang sistema na ganito. Abangan natin ang unang mamatay ng stroke sa mga bus na ito.Tiyaka pa lang magkakaroon ng batas na bawal ang masisikip na upuan sa mga bus.
No comments:
Post a Comment