Monday, January 16, 2012

"Mga Abnormal na tao sa MRT"


"Mga Abnormal na tao sa MRT"
By:
Virgilio F. De leon Jr.

Takbuhan at Tulakan. 2 sa mga bagay na ayaw na ayaw ko pag sasakay ako ng MRT. Kilala mo ang mga tao na ito at malamang eh naranasan mo na din ito. Ito yung tipo ng mga tao na tatakbo papunta ng pintuan at kahit nakita na nila na nagkakahirapan nang pumasok dahil siksikan itutulak nila yung mga nasa likuran para umabante. Ano silbi nun? Bakit kailangan mong itulak yung nasa harapan mo? May ADD –HD ka ba at di ka makapaghintay? Malaki ang tren at pag nakapasok na lahat eh siguradong may tatayuan o uupuan ka din! Bakit kailangan mong magtulak? Pusher ka ba? Pusher ka nga. Isang beses may babae nakapostura pa yung nakita ko , dahil sa tulakan nasira ang blusa niya at medyo naging mas exciting yung suot niya , yung abnormal na nakatulak at nakapunit sa damit eh naglakad lang papunta sa gitna ng tren na parang walang nangyari! Feeling niya cool assassin siya!

Ang isa pang napakasarap kasama sa MRT ride mo eh yung taong walang konsepto ng personal space. Kadalasan para na kayong maghahalikan sa sobrang close niyo. Parang kayong magsyota! Feeling mo nagagahasa ka na at mabubuntis sa sobra niyong ka-close. Sa sobrang close niyo eh alam mo na ang inalmusal , merienda , tanghalian at hapunan niya. Kadalasan , ito pa yung mga tao na parang may gripo ng tubig sa bawat butas ng katawan. Tsong di lang bas-kil (basang kili-kili) ang alay niya sa iyo kundi bas-everything. At ito ka naman kakaligo lang papunta ng school or opisina at siya ang nasa likod mo. Ramdam mo ang wetness bro! siya yung tipo ng tao na pag nilagyan ng bimpo ng nanay niya nung bata pa eh di umuubra , kaya tuwalya na pang beach ang ginagamit! Sayang ang ligo mo…binasbasan ka rin niyan ng pawis niya! Sila ang mga Basbasero sa MRT.

May isang lalaki ako na na-observe , sabi niya sa kasama niya na bababa siya sa Ayala. Ayala pa bababa pero andun siya sa gitna ng pinto , para siyang unggoy na nakahawak dun sa area sa taas ng pinto. Ok lang kung siksikan sana eh kaso nga sa sobrang luwang ng train nung araw na yun eh puwede kang magpadebut sa gitna! Puwede kayong magcotillion at magpahanda pa sa gilid! Pero tsong trip lang niya talaga na dun pumuwesto sa gitna ng dadaanan ng mga tao!. Tapos pag nababangga siya ng mga taong bababa o sasakay eh masama kung makatingin na para bang pinatay mo yung alaga niyang Chihuahua. Akalain mo yun! Simula pa Trinoma eh andun siya sa gitna ng daan at natatamaan ng mga taong  papasok at papalabas tapos siya pa ang may ganang magalit! Adik! Yun din ang naisip ko nun eh.Adik na Unggoy sa gitna ng tren.

At ang pinakapaborito ko eh ang mga taong ito na tatawagin nating mga Roadrunner. Meep Meep. Mapapansin mo kung malapit nang bumaba ang isang Roadrunner katulad halimbawa sa Cubao , papalapit na yan sa bungad ng pinto. Tapos makikita mo na parang totoong Roadrunner na nagsi-sway sway ang katawan side to side sa inip nito na bumukas ang pinto , kahit na sabihin mo pang nasa Kalagitnaan ng Edsa yung train eh ganyan ang Roadrunner, inip na inip , parang mga kotse na nag-iistart your engines sa karera ang dating nila . Tapos pag bukas ng mga pintuan ng tren kahit nasa likod pa banda yan eh bubuwelo yan at tatakbo! Kahit na sino ang mabangga niya eh never magsosorry yan…parang kidlat na tatakbo papunta ng exit turnstile na kung saan maghihintay din siya kasi mga isandaang tao lang naman ang nauna sa kaniya. Di ko maintindihan ang mga Road Runner na ito , sabi nga ng kaibigan kong si Patrick Racho , Walang Karera at wala kang premyo kong ikaw ang maunang makalabas. Ano ang point di ba?

Panigurado di lahat ng mga abnormal ay nakita ko na. May bagong species araw araw at ang sigurado eh sa dalas ng ipapamalagi ko sa mga tren eh makakasalubong ko din sila. 

8 comments:

  1. Idagdag mo sa listahan ang mga wapakels. Yung mga nakaheadset na animo'y boombox ang nakapasak sa tenga. Pa-cool pang magtetext, naka 3310 naman. Yung tipong keber nila kung naapakan ka na nila, o halos sumabog na din yung tenga mo dahil parang may nagcoconcert sa tren sa sobrang lakas ng tugtog. Nagear/ head phones pa! Ang nakakainis na part nun, sa sobrang emo nila sa buhay ay wala talaga silang pakielam sa paligid nila. nakaharang sa daan, ayaw pa umusod sa gitna eh pwede ka pang makipag patintero! sa kinasawiang palad, kailangan natin silang harapin araw araw. ay buhay.

    ReplyDelete
  2. nice... hahahaa... tama.. puro sakit KAYO ng ulo mga nag-mrt kau! LOLOL

    buti na lang di ako nagm-mrt! LOL

    Well.. looking forward to your next post Hunyo!

    ReplyDelete
  3. Ahahaha! Yan ang Pinoy. MRT rides - More Fun in the Philippines. :) LOL!

    ReplyDelete