"Maskara"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
I
Ako ay nakasuot ng maskara
nagaagam agam na sana , sana
Di nila mapansin ang aking ginagawa
Di nila masira ang dating sira na
II
Kung bakit ito ang aking ngiti
at ang sadyang mga sinasabi
Di ko din naman mawari
kahit na ano pa ang kanilang masabi
III
Mahigpit na ang pagkakadikit
at kahit alisin pa ng pilit
Sasama na ang balat na tunay
mabubura na ang mukha ng tuluyan
IV
Kaya hanggang ngayon ay suot pa
sa takot na ako ay mawala
sapagkat alam ko sa habang ng panahon
ang maskara at ako.Sadyang iisa.
Shaw Sykes Centrum , 02/12/2018
No comments:
Post a Comment