Wednesday, February 17, 2016

"Eerie Interlude:Through the Veil and Back"


"Eerie Interlude:Through the Veil and Back"
by:
Virgilio F. De leon Jr.


Today I would like to look at the utility card Eerie Interlude.For 3 mana you and instant speed you get to exile any number of Target creatures you control and then return them to the battlefield at the next end step.

Let us break this down a little bit.

- It is a targeting spell which means that creatures you control with Shroud do not get exiled and remain on the battlefield.If you are playing EDH games choose creatures with Hexproof instead so you could still save them.



- This is going to be great with creatures with Enter the Battlefield (ETB) Effects and is reminiscent of the Restoration Angels ability the first time we were in Innistrad.Going through that thin veil of existence and Oblivion seems like a great way to spend the day with your creatures don't you think? 

- It is an excellent piece of card tech that allows you circumvent Mass Removal spells. Simply cast and hope that it does not get countered. If you are successful in resolving it then this spell saves all of your guys and have them back at the end of the next end step. 

- Now depending on when you use it you could get some really great battle tricks going on. You could choose to block with all your guys and then exile them during your opponents turn so that they would come back at your opponents end of turn and be ready to attack on your own turn. 



- Eerie Interlude shows great synergy with the new cards from Shadows over Innistrad that has great ETB effects like tooth collector that kills off a 1/1 creature or Topplegeist that lets you uh...Topple a creature. I am looking at you mighty non-hexproof Eldrazi titans. This one mana spirit has enough will power to tap even the biggest creatures! If you have met the cost for its delirium ability then you could keep on tapping creatures at the beginning of your upkeep. 

I expect to find a lot more cards that will negate the might of the eldrazi in this coming set especially now that there are rumors that the mightiest of the three , Emrakul might just make a tentacled appearance over the home plane of Sorin Markov. 

I really wanted Emrakul to appear on New Phyrexia so he can be Compleated. Imagine a 15/15 flying creature with Infect! Sounds like fun.

I am getting ahead of myself though.Before New Phyrexia. It is time to go back to Innistrad.

"Sa Mundo ng mga Yawa"


"Sa Mundo ng mga Yawa"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.

Nakakapagod nang tumakbo. Araw araw na lang mula pagsikat ng araw hanggang sa pagkagat ng dilim wala na kaming ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Walang ligtas na lugar kung kaya't palipat lipat kami ng taguan.Di matapos tapos na paglikas ang nangyayari. Sadyang ganun lang talaga kung ang naghahari sa mundo mo ay mga yawa.

Yawa.Patay na buhay. Zombie. Mas madali yatang sabihin ang yawa kaysa zombie kaya dito sa amin ay mga yawa ang tawag sa kanila at di ba totoong mga peste talaga sila? Sa kahayukan nila sa laman ay nasakop na nila ang buong isla. Ang hindi nila nauubos kainin ay nagiging Yawa din. Paunti ng paunti ang mga normal samantalang sila naman ay tuloy tuloy na dumarami. Bakit? Ang iniisip ng iba ay ito na ang huling paghuhukom sa tao. Ang mga pesteng ito ang bagong alon na lalamon sa atin upang may mga bagong nilalang na masilang sa ating lugar. Hindi na tao ang mamumuno kundi ang mga yawa. Marami sa aking mga kababayan ang taos pusong yumakap sa pagpataw ng parusang ito dahil sila daw ay makasalanan at kailangan masilang na muli.

Kabaliwan ang tawag ko doon. Di ko kailanman tatalikuran ang buhay. Mas masarap huminga. Mas masarap maamoy ang sariwang hangin kahit na meron itong halong amoy nang naagnas na laman. Sa tingin ko tuwing ako ay naduduwal sa amoy na iyon ay nananatili pa din akong tao. Nakakaramdam pa din ng mga normal na bagay. Nandidiri. Naduduwal. Natatakot. At dapat lang talaga silang katakutan. May mga hangal na pinagtatawanan ang mga yawa dahil napakabagal naman daw nila maglakad. Kayang kayang ikot ikutan lang. Ayos lang yan kung paisa isa pero pagka nakasalubong ka na ng isang daan o isang libo at sabay sabay silang pilit na umaabot sa iyo dahil nagugutom sila. Sigurado di ka na makakatawa. Magiging tao ka ulit. Makakaramdam ka din ng takot. Tatakbo ka kahit na may dala kang baril o kutsilyo o baseball bat. Pag narinig mo ang ungol nila kahit na sa unang oras pa. Maramramdaman mo ang kaba. 

Sa isang banda ay maganda ang ganun. Normal lang na tumakbo ka sa mga bagay na makakapahamak sa iyo. Pero sa ilang linggo ng kaguluhang ito may mga nakikita akong nagwawala sa kalye na para bang wala nang bukas. Minsan isang magtatay ang nasukol ng mga yawa. Nakagat ang batang babae sa balikat. Naghurumintado ang kanyang ama , dala ang gulok ay pinagtatagpas ang mga nakapaligid na yawa sa kanila. Dala ng kanyang galit ay naubos niya ang lahat. Marahil dala din ng kanyang galit ay di niya napansin ang anak niyang naging yawa na kumagat sa tiyan niya. Nasa taas ako ng isang puno ng mga oras na yun , malaking tulong sana kung naubos din yan ang mga yawa sa ibaba ng pinagtataguan ko kaso naunahan siya ng kanyang anak. Napailing na lang ako sa aking sitwasyon. Gustuhin ko mang tumulong eh malamang ako din ang magiging pagkain ng mga yawa.

Nakakapagod nang tumakbo pero kailangan. Ikaw na nakakabasa nito ngayon dapat ay di ka tumigil. Malamang malapit na din sila. Bitawan mo na ito. Tumakbo ka na. Bilis.

"Cupid's Loss"


"Cupid's Loss"
by:
Virgilio F. De leon Jr.


"Just for the record please state your name and occupation." I began the interview in the surprisingly empty bar. The bar tender seemed to be very busy giving out drinks to no one in particular.

"Do I have to?" My guest asked in a voice that was deep but seemed whiny.

"Yes."

"Sigh. My name is Cupid. I help people.With my arrow and bow and all that." Cupid pointed to the various pointy instruments that were piled almost haphazardly in a corner behind him. 

"How do you do it?"

"Listen , I imbue the arrow with the persons name and the effects vary. Think of it as a very very strong suggestion but there are people who are actually way denser than others. So the effects vary. Some people immediately feel the effects , they start thinking about that one person all the time , they want to be around that person, they want to know that person and begin something called exclusion. Don't blame me if that term sounds like possession I didn't come up with it."

"So you randomly go around pointing arrows at peoples hearts?"

"No. I get a notice , a name and I show up with a named arrow in hand and hit my target.I never miss by the way. Its just that humans can be really tricky in the way that they manifest this Love that is within them and the Fates get really annoyed when they fail to act on something that was really meant to happen. People think they can escape the Fates but heck these are the same women you find in your past , present and future. They will be there and like their name states you meet your fate sooner or later." 

"Do a lot of people resist? It's Love. Old magic."

"You would be surprised by how many people struggle with their feelings and their destinies. In the end though The Fates will always win and you would fall into that which you were meant to be." 

"So people will always need you to get in touch with their feelings?"

"Nowadays No.Not everyone needs an arrow to the chest and these things just come out on their own. Yup you heard me. Good Old Cupid is losing some of these assignments to self determination.
Thanks to the Internet people could look at someone all they want.I still get the notice and when I reach the assigned target they would just be looking at a picture. At a screen. Just the image of the person. Not the actual person!"

"Is that necessary? I mean to have the actual persons in one place?"

Cupid scratched his head but continued.And it seemed that he was about to pop a vein somewhere.

"Yes. Reciprocity. You can't have a relationship with a Picture or Video. In the past people try and be around the vicinity of the person they like. There is at least that slim chance that they get to interact and fall for each other. Nowadays people call that stalking. It used to be called Sweet. People in this day and age seem to wank off more than try to interact. There are entire countries dying because of this."

"So you think your job is important?"

"Yes. Its the perpetuation of your entire species at stake. Sex and Love do mix but without the latter that's just animals fulfilling a need. I may no longer get the same results or same job satisfaction but I still feel that I have to do this. The very alternative means death."

"I'd drink to that Cupid." I raised my glass to him. He raised his and clinked on mine before downing the whole thing.

"Now get out of here and get to work. People are being unborn as we speak!" I said to him.

"Your not my boss.But thanks for the drink.I would be seeing you around. I think I may have an arrow or two for you." And I was not sure if that was some sort of threat. I took it as one.

"You better not."

Cupid went out of the bar smiling. This was going to be a very busy day for him.



"Halik ni Higad"


"Halik ni Higad"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

Isang araw , sa lugar sa UP College Baguio na kung tawagin ay Manang Mani. Alam ko ang iniisip niyo na di taga UP Baguio , lehitimo ang binebenta ni Manang na Mani. May Roasted. May Steamed. Walang hanky panky. Pure Mani lang. 

Pero di yun ang kuwento ko sa araw na ito. Ito ay tungkol sa akin at sa unang higad na naging first kiss ko. Naunang higad na nakahalik sa akin.(Sa pagkaalalam ko eh di naman na nasundan).

Nung araw na yun ay naisipan kung umupo sa ilalim ng mga Pinus Insulares sa maliit na parke sa ibabaw lang ni Manang Mani. Masarap ang hangin. Malayo ang matinding araw. Naririnig ko ang mga nagdaraanang mga Iskolar ng bayan na nagmamadaling pumasok. Ako , tumambay lang kasi di dumating ang aming mahal na propesor. Di ko na maalala kung anong klase pero ang naalala ko sa araw na yun ay ang halik.

Sa lilim ng isang pine tree ay napagkatuwaan kung umupo at isandal ang aking likod. Inaantok na ako sa puwesto ko. Naghikab ako sabay tingin sa itaas kung saan nakita ko ang isang bagay na nahuhulog. Para eksena sa pelikula. Slow motion. Palapit nang palapit sa akin. Gumagalaw ng kaunti. Maraming mga paa. Mga tinik na nagkalat sa kahabaan ng itim nitong katawan. Parang mabagal kaya akala ko may oras pang makaiwas pero mali ang akala ko. Parang rumaragasang tren na di mapigilan. Pinilit kong ipihit ang aking katawan pakaliwa. Sapul pa din. Saktong dumampi ang mga maliliit na tinik ng higad sa aking kanang pisngi.

Tayo. Sigaw. Pasok ang kamay sa jacket at inalis ang nakapatong pa na insekto. Tayo. Sigaw. Ikot ikot.

Nakita ako ng mga kaibigan ko. Namumula na ang kanang pisngi. Nagiging kamukha ko na si Two-Face! Lumabas ng campus at pumara ng taxi. Umuwi ng dormitoryo. At ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ng buhay ko. Naligo. Huli ng naisip ko na baka kumalat ang maliliit na tinik ng higad sa katawan ko. 

Nasilip ko na lang sa salamin. Kalahati ng mukha at katawan ko ay pulang pula na. Nangangati. Naalala ang Benadryl sa Ref. Nilaklak. Di na nagkutsara.Tinunnga na lang na parang yakult. Pangalawang pagkakamali.

Inaantok. Plakda sa higaan.Di na nakapasok.

Nagising. Nilalamig. Nakatulog na nakahubad. Pulang pula pa din ang katawan. Bad trip. Ayaw ko nang magpahalik sa Higad. 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Salamat Raven Knives sa Sobrang Linaw na Larawan. 

Wednesday, February 10, 2016

"Bulaklak ng Luha"


"Bulaklak ng Luha"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

I
Minsan nang nagmadali
Sa mga bagay na di naman dapat
Nauwi sa pagkukunwari
at si di naghihilom na mga lamat

II
Dala ng galit
Mga salitang namutawi 
Mga damdaming 
Di na muling napapawi

III
Sinasabing masaya kahit di na
Nagsisinungaling sa sarili
Magiging mabuti rin ang lahat
Di alam na wala nang marytr sa lahi

IV
Umiiyak sa gabi
Ngumingiti sa araw
Bulaklak na maliwanag
ngunit patay na sa tangkay pababa

V
Nagsasabi ng Oo
pero ang gusto ay hindi
Ilang beses tatango 
pero dapat ay iiling

VI
Bulaklak ng luha
Patay na sa loob
Lumiliwanag pa din 
hanggang sa may kailangan.