"Ang Tunay na Dukha"
by:
Virgilio F. De leon Jr.
I
Dumungaw ako Mula sa Taxi
Doon sa bantayog
Doon ko sila nakita
Mga batang madumi at ulila
II
Sa paanan ng mga bayani
nakahiga
Pagod sa kapapalimos ,
nagpapahinga
Alam kong kumakalam ang
sikmura
Hindi hiningi na maging
dukha
III
Sa mata nga mga tao
Sila’y kinukutya
Pero sa kanilang mga sarili
Hindi rin alam na sila’y
dukha.
