Monday, May 19, 2025

Meanwhile in a Certain Company Clinic in QC: "You tell me"

 Meanwhile in a Certain Company Clinic in QC: "You tell me"

by:

Virgilio F. De leon Jr.MD


While interviewing a patient.

Me: "So kailan po kayo nadiagnose na may Diabetes Maam?

Patient: "Nung sa panganay ko pa po..."

Me: "Maam di ko po alam kung ilan taon na ang panganay niyo. Yung year na lang po."

Patient: "Ay sorry Doc , 2019 po."

Me: "Ok po. So at that time tinigil din ang gamot ninyo after a month. Pero binalik din po?

Patient: "Opo nung sa pangalawa ko po."

Me: "Sorry po Maam di ko alam kasi kung taon taon kayo nanganganak or kung ilan taon yung pangalawa ninyo. Stick na lang po tayo sa taon."

Patient: "2021...2022...2021-22...."

Me: 'Take your time po. Maalala niyo din yan."

Patient: ""2023 Doc!"

Me: "Ok ano na pong gamot iniinom niyo ngayon?"

Patient: "Yun pa din pong iniinom ko nung 2023."

Me: "Maam , you tell me po. Di ko din kasi alam kung ano po yung ininom niyo nung 2023."

Patient: "Ay sorry po sorry po."

Me: "Ok lang po."

And it was a loooooooooong night.

No comments:

Post a Comment