"Ang Blankong Papel"
ni:
Virgilio F. De leon Jr. MD
I
Blankong papel na naman ako
nasusulatan ng kung ano ano
Bukas ang isipan sa sabi mo
nakikinig pa din sa mga suyo
II
Pero minsan nakakaramdam din
Nagagalit , naiiyak , nadidismaya
Di naman yata lahat sa tama
Minsan di lahat ay masaya
III
Pero pag kumakawala ay inaayos
Pilit na inuupo sa silya
Binubusalan ang bibig
Bubulungan ng mga mahiwagang salita
IV
Hanggang sa mawala ang agam agam
Mapawi ang mga takot
Isasantabi ang bulong ng isip
Magtatago sa sarili sa loob ng sarili.
V
Blankong papel na naman ako
Nahipan ng hangin na galing sa iyo
Dito pa din , dito at nakaupo
Andito at naghihintay pa din sa iyo
10/22/2017 - Shaw
No comments:
Post a Comment