"Sa Dulo"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD
I
Doon sa dulo ay naghihintay
Mga kamay na dating mong alam
Mga damdamin na dati mong tinapon
Mga bagay na nilimot ng kahapon
II
Mga salitang di na nabawi
Mga gawang walang pagsisisi
Maganda may nagiging pangit
Ang pangit puwedeng mapintahan muli
III
Nagtatago sa mga anino
Mga bagay na di nagkaklaro sa liwanag
At ang simpleng bulong
nagmimistulang walang tigil na alulong
IV
Doon sa dulo ay naghihintay
Sa pagtatapos ng isang kabanata
Pagsisimula naman ng isa pa
Sa dulo naghihintay pa din.
No comments:
Post a Comment