Tuesday, October 13, 2015

"Mga Senyales na kailangan mo nang mag VL "



"Mga Senyales na kailangan mo nang mag VL "
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

Ako ay naging ahente sa mahabang panahon. Humigit kumulang na limang masasayang taon sa Call Center Industry na natigil nung kailangan ko nang magseryoso sa pagtake ng Boards. Habang ako ay naging ahente kadalasan ay nakakaramdam ako ng malaking stress dahil sa mga bagay na kailangan mong gawin at mamaintain bilang ahente. Kadalasan di napapansin ng isang ahente na kailangan niya na talagang gamitin ang kanyang mga Vacation Leave.

Ito ang siyam(bakit siyam? gusto ko eh.) na senyales na kailangan mo na munang itago sa locker mo ang iyong headset at ampli ng mga ilang araw.

Ang iba sa mga senyales na nandito ay personal kong naranasan(di ko aaminin kung ano dito) at ang iba naman ay naikuwento ng aking mga naging kasama sa industriya. Tingan mo kung kailangan mo na din talagang Mag VL.

1) Madalas mong sinusubukang mag-log in at magset up ng tools... sa PC mo sa bahay. Matic?

2) Madalas kang lumalampas ng babaan mo....partida papasok ka pa lang niyan.

3) Kapag sumasagot ka ng phone mo..."Thank you for calling _____ , this is ______ , How may I help you today?

4) Nagtataka ka na kung bakit maliit ang tissue sa bahay niyo... 

5) Minsan mo nang sinubukan na mag Badge in sa gate niyo.At naghanap ka ng guard kasi akala mo malelate ka na.



6) Lahat ng kausap mo eh natatawag mo na ng TL/OM/AM.Kahit yung Nanay mo. Pagkamano mo , TL matutulog na po ako ha.

7) Dumadalas na ang kaso mo ng "Pretendinitis"..."Wala na po akong boses...Ubo...Ubo....Ahhhhh....




8) Minsan lumabas ka ng bahay sa day off mo , napatingin ka sa langit at napaisip ka kung ano yung nakakasilaw na bolang apoy sa gitna ng langit...

9) Nung Huli kang nagpacheck ng dugo eh AB Nescafe Positive na daw ang blood type mo.



Ayan. Isa na namang Odd numbered na listahan. Nakita mo ba ang sarili mo? Kung tinamaan ka ng at least 3 sa mga ito eh oras na para magfile ng VL. Keep your fingers crossed. Sana pumayag si TL.

No comments:

Post a Comment