Monday, July 13, 2015

"Tiny Leaders:Azusa at Usapang X."


"Tiny Leaders:Azusa at Usapang X."
ni:
Virgilio F. De leon Jr. 

Bata pa lang ako eh mahilig na ako sa X. Sa sobrang hilig ko sa X eh napakarami kong nahahanap sa internet. Napakaraming website na merong X at sa tingin ko eh lalo pang darami ang mga X sites na ito. 

Kung hahanapin mo si Azusa , Lost but seeking makikita mo na marami ding nakaakibat na X sa kanya. Minsan kung kumausap ka ng mga tao eh marami din na mabibigay sa iyo na X.

Itong nakaraang Block sa Magic the Gathering na Theros , palibhasa eh Griyego ang tema natutuwa ako at napakarami ding X na lumabas. X na X na X talaga!

"Wow X"
Sila ang dahilan kung bakit naisipan kung gumawa ng Hydra Deck para sa Tiny Leaders na format ng Magic.Siguro di ko na masyadong paguusapan ang mga basics tulad nang 22 na lupa at si Azusa na tumatayong Commander ng deck na ito.

At dahil si Azusa ang Commander alam mo na ang deck na ito eh magsusuka nang magsusuka nang magsusuka ng lupa. Ang gusto niyang gawin sa buong laro eh maglabas nang maglabas ng Mana o lupa para masustentuhan ang pangangailangan sa X.

Ngayon sa format ng Tiny leaders ang mga manlalaro eh nalilimitahan sa mga spells at creatures na nagkakahalaga ng 3 mana o pababa lamang. Magandang ehersisyo ng pagiisip lalo na at kailangan mong magisip ng maigi kong ano ang bagay sa mga deck na gagawin mo.

Dito kay Azusa eh magandang sa unang bagsak pa lang ng lupa eh maica- cast mo na ang Eladamri's Vineyard o si Magus of the Vineyard.Mapapansin mo na mabibigyan ka ng napakaagang 2 mana bago ang iyong main phase. Mana na puwede mong gamitin para mailabas ng maaga si Azusa at makalapag ng 2 extra na lupa kada turn.Siyempre isasama natin sila Courser of Kruphix , Sylvan Caryatid , Elvish Mystic , Muldaya Channelers , Farhaven Elves , Wood Elves para lalo pang bumilis ang ating Mana sa paglabas. 

"Mmmmm X ulit!"
Kadalasan sa turn 3 pa lang ay napakarami nang Mana na magiging available sa Green Mage pero dahil di ka nga puwedeng lumampas ng Mana cost 3 sa Tiny Leaders dito ngayon papasok ang X. Ang tropa ng mga Hydra na puwede mong palakihin depende sa mana na ibibigay mo sa kanilang X.  Ito ay mga Hydra na nakita kong pakalat kalat lang sa bahay kaya binigyan ko sila ng tahanan , maaari natin tawaging Bahay Kalinga Hydra. Si Mistcutter Hydra , Hooded Hydra , Vastwood Hydra , Protean Hydra , Primordial Hydra at Genesis Hydra.

Kadalasan si Primordial Hydra at Mistcutter Hydra ang nagsisilbing pambato ng deck at salamat sa card na Solidarity of Heroes sila ang kadalasang nakakatapos ng mga kalaban.Si Primordial Hydra kasi dumodoble ang counters kada Upkeep minsan umabot ng 80 ang counters sa kanya! May utang pa sa buhay ng ilang games ang kalaban mo. Kasalanan ng simple pero napakalakas na Solidarity of Heroes.

"Solid Pre!"
Ngayon maliban sa aking mga paboritong X creatures ano pa ang magandang mailagay dito sa deck na ito? siyempre para abusuhin ang dami ng lupa na lumalapag sa battlefield naglagay ako ng Dungrove Elder. Lakas base sa dami ng iyong mga Forests. At Hexproof pa! sakit sa ulo! Si Budoka Gardener eh andito din , masaya kaya gumawa ng X/X na Elemental base sa dami ng mga lupa mo. Medyo pag nabilang mo mabibigla ka na lang kasi may 10/10 Elemental ka na.Ang paborito ko na Strata Scythe galing sa Mirrodin ay isa pang malaking tulong sa pagiging agresibo ng deck na ito kahit na sino kasi sa mga mahihina mong creature(gaya ng mga Woodelves na 1/1) eh biglang nagiging Higante.

Sa mga lupa ay maganda ding isama ang Nykthos , Shrine to Nyx dahil sa dami nang Green Creatures na nagdadagdag sa Devotion count. Mas maraming mana mas maraming pampakain sa X. 

Speaking of X ang card na Animist's Awakening galing sa Magic Origins ay nasama ko na din dito. Di lang siya masayang X card. Tuwang tuwa pa sa kanya si Vinelasher Kudzu! 

"Lupa...Lupa.....Lupa....Lupa....Lupa....Untap"
Hanggang dito na lang muna at magpapakain pa ako ng mga Hydra. Mula sa Bahay Kalinga Hydra. Signing Off. 



2 comments:

  1. Gusto ko na sinimulan mula sa X ang article. Konektado siya sa X sa casting cost ng mga hydras pero syempre alam naman natin na may innuendong kasama. Hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ha? wala kaya....talagang yun ang tinutumbok ko....sa Hydras....bwahahahhaha

      Delete