Wednesday, July 15, 2015

"Mga Parang Bangungot sa 2 Pangungusap...Part 2"


"Mga Parang Bangungot sa 2 Pangungusap...Part 2"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Kadalasan din naman natin hinahanap ang kadiliman ngunit ang kadalaman ay sadyang nakapaligid lang sa atin. Maraming sitwasyon na minsan akala natin ay inosente lang ay kung saan na napupunta. Halimbawa na lang ang blog post na ito na nagumpisa isang umaga nang marinig ko ang isang tao na kumakatok sa CR na malapit sa aking Examination room kung may tao sa loob nito.Simple lamang pero naisip ko kung paano ay may sumagot nga at wala naman talagang tao dun sa loob?

Kung nabasa mo ang orihinal na post ko tungkol dito ay salamat. Kung hindi naman ay puwede mo naman puntahan dito sa link na ito.

http://flightofideasver2.blogspot.com/2015/06/mga-parang-bangungot-sa-2-pangugusap.html

Masaya na din ako sa 6 na ito...Basahin mo para di lang ako ang may malikot na pagiisip paminsan minsan.Lights on or lights off?



1) Dahil sa tawag ng kalikasan , nagmamadali siyang tumakbo sa banyo sa dulo ng bahay at nang napansing nakasarado ang pinto , kumatok at nagtanong , "May tao ba?"... "Di ako tao" ang sagot ng malalim na boses sa likod ng pinto.

2) "Malulunod ka ngayon..." Ang nabasa niyang Horoscope sa Diyaryo."Di naman totoo yan" , ang sabi niya sa sarili sabay bunggo sa kanya ng isang truck na siyang dahilan kung bakit nahulog ang tricycle niya sa Ilog sa may Nagtahan.

3) "Parang May Mali" tanong ni Art sa sarili pagkagising sa kama kung saan di niya maigalaw ang kanyang buong katawan at tila ba may angulo na mali ang kanyang ulo. Sabay naalala niya na di siya nasalo ng kanyang kaibigan habang nagbabackflip...



4) Pinipilit niyang sumigaw sa mga nurse at doctor na nakapaligid sa kanya sa operating table , "Gising ako!!! , Gising ako!!!, Masakit!!! , Masakit!!!". Nagpatuloy ang operasyon ng 12 oras.

5) Nagtataka si Benito kung bakit napakabigat ng kanyang bentang taho ngayong araw ngunit inisip na lang niya na pagod lang siya at walang pahinga ng ilang araw. Laking tuwa niya nang may mga call center agent na papalapit at bibili sa kanya , binuksan ang mga lalagyan para tingnan ang taho kung saan isang ulong pugot ang siya namang tumitig pabalik sa kanya.



6) "Tama na yan Tony , wag mo nang dilaan ang kamay ni Mommy", kalahating gising at kalahating tulog na sinabi ni Sabel sa kanyang aso. Binuksan ni Sabel ang kanyang mga mata , si Tony ay nakatitig at nagagalit sa kung ano man ang dumidila sa kamay niya.

No comments:

Post a Comment