Tuesday, June 9, 2015

"Mga Parang Bangungot sa 2 Pangungusap...."


"Mga Parang Bangungot sa 2 Pangungusap...."
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Mga ilang linggo na rin ang nakakaraan nang mabasa ko ang isang post sa wiking ingles na nagpakita sa akin di mo na kailangan nang mahabang mga pangungusap para ipadama ang takot at mga madidilim na imahen sa iyong kapwa.

Habang nilalabanan ko ang lungkot sa pagkawala ng aking ina nagawa ko ang mga ito nang humigit kumulang sa trenta minuto. Di ko alam kung akin ngang nagawang ang aking nais gawin pero kasi sandali medyo napangiti ako at naisip na mamaya lang may mga ibang pagiisip na din ang papasok sa ating kaisipan.

Maraming salamat sa iyong pagbasa...



1) Matagal ko nang gustong bosohan si Lala , kaya laking gulat ko na sa aking pagtingin , pagkatapos niyang maghubad ay wala siyang mukha.

2) Nahulog ang salamin ko sa gilid ng kama, dali daling may nagabot nito mula sa ibaba. Ako lang mag-isa dito sa bahay.

3) Ang sarap kumuha ng litrato sa gubat. Nahihirapan lang ako kasi isang dosenang mukha ang nakukuha sa auto-focus ng camera ko.

4) Masarap maglakad nang magkakaakbay at para di ko malimutan binilang ko ang aming mga anino. Walo lang kami pero ang bilang ko ay siyam.



5) "Naku , Lumilindol!" , ang una kung naisip nang maramdaman ang pagyanig ng aking kama. Hanggang sa nag-adjust ang mata ko sa kadiliman at nakitang ang kama ko lang ang gumagalaw.

6) Di magkaintindihan ang call center agent at ang babae na tumawag sa kanya kaya sinabihan niya ito na patahanin ang batang kanina pa niya naririning na umiiyak. "2 taon nang patay ang anak ko , bakit mo pa siya naririnig na umiiyak?" tanong ng babae sa telepono.

7) Naiirita na ako sa pagpatay sindi ng ilaw sa kuwarto ko , isang bagay na laging ginagawa ng asawa ko kapag nagaaway kami at di ko siya pinapansin. Kaya ko nga pinatay yun para di na kami magaway eh kaso ngayon ito at ang kulit kulit pa din.



8) "Mama ang dilim dilim po dito." Yan ang huling sabi ng anak na si Sabelle sa kanyang nanay sa telepono , 4 na araw pagkatapos mamatay sa isang sunog sa may Quezon City.

9) Minsan naisip ko kung ano ang laman ng kuwarto sa pinakalikod ng aming bahay kaya sumilip ako sa isang butas at nabigla ng malaman na...may isang mata na nakatingin sa akin pabalik. 

10) Nakasanayan ko nang isigaw ang "Andito na ako" tuwing dumarating ako ng bahay , agad agad naman akong niyakap ng aking asawa at anak ng mahigpit. Kakagaling ko lang sa libing nila. 




No comments:

Post a Comment